ToMyBestFriend
The Letter
To My Best Friend

TO YOU, please do read this

Hindi ko alam kung kelan nagsimula… I just felt it.

Almost 7 years ko na kitang kilala. Naalala ko yung time na may nagtanong sa akin kung paano daw kung magkagusto ako sa’yo. Sabi ko no way na magkakagusto ako sa’yo. parang malabong mangyari, impossible dahil kaibigan kita.

Yun pala lulunukin ko lahat ng sinabi kong yun. wew. ang hirap pala. hindi ko inexpect ‘to. AS IN. sa’yo lang ako nagkaganito.

Ikaw ang naging motivation ko, kung hindi dahil sa’yo wala siguro yung half ng kinatatayuan ko. You’ve changed me to something much more better than i was before  

2nd year ako ng feeling ko nagsimula na akong magkagusto sa’yo, Ikaw yung motivation ko to push my self to limits. nakikita kasi kita lagi. hindi ko maexplain. kasi pag nakikita kita parang full effort ka sa lahat ng ginagawa mo, mas naiinspire ako.

dahil sa’yo sumali ako ng student council at tumakbong president kahit feeling ko matatalo ako. Ikaw nagsabi sa akin na alam mong may chance akong manalo, and after I won the election. Ikaw yung isa sa mga unang nagcongratulate sa akin. mixed emotions ako nun, cloud 9 ang feeling.

I really miss those moments na lagi kitang kausap… parang gusto kong huminto yung oras. I feel relaxed pag kausap kita. yung parang walang ibang tao tayo lang, walang problema, walang dapat isipin. hindi ko naman pwedeng ipakita na may gusto ako sa’yo kasi natatakot akong baka lumayo ka. and that’s the worst thing na ayokong mangyari.

I used to draw those moments para hindi ko makalimutan. I still have those sketches. I remember one time nakita mo yung sketch pad ko. kinabahan ako ng sobra dahil napansin mo na familiar most ng sketch ko. :)) natatawa pa rin ako kapag naaalala ko. Hindi ko maimagine yung hitsura ko nun.

I still remember nung teacher’s day / birthday ko na binigay mo sa aking card. Akala ko nun hindi mo maaalala yung birthday ko dahil busy ang buong school sa teacher’s day program. Then binigyan mo ako ng white envelope sabay sabi ng happy birthday.

pagdating na pagdating ko sa bahay binuksan ko agad at sobra kong na-appreciate yung card up to now. laging nasa binder ko yung card. hindi ako nagsawang basahin yun, hindi din yun pumapalya para pangitiin ako everytime na nababasa ko yun:)

Tapos nung 4th year highschool, still gusto ko pa rin kita. feeling ko alam na ng buong klase pati ng faculty na may gusto ako sa’yo. pinilit ko pa ring itinatago, sabi ni Palits kahit obvious naman daw denial pa rin ako. :))  I still won’t believe na marami ng nakaka-alam. Ikaw yung uanng nagcomfort sa akin nung I lost the elections.

Hindi mo sinabi sa akin na sabay pala tayo ng entrance exam. you’re just 1 stairway away from me. Alam mo bang hinanap kita nung exam day? nilakad ko yung buong building if I could find you, pero ayun hindi kita nakita.

Yung dahilan kung bakit hindi ko pinaabasa ko sa inyo yung nobela ko dahil based yun sa klase natin simula 1st year tayo. ayokong pabasa sa inyo yun dahil nahihiya ako.

Then nung graduation, feeling ko para akong papel na mapupunit. hindi ko alam kung bakit. siguro dahil baka last chance na lang natin ‘to para magkita.

Natuwa ako ng nalaman kong same tayo ng school na papasukan sa college. I spent my 1 week dun sa university na umaasa na makikita kita. kahit glimpse lang, pero madamot yung chance kaya hindi kita makita.

ikaw pa rin yung inspiration ko hangang nag-college tayo. dahil sa’yo naglakas loob akong sumali sa college dance group, at sa college pep squad. ikaw yung una kong hahanapin ko pagpasok ko palang dun sa gynasium, bago magperform & after. Kahit magkalaban yung college natin. I tried different things, kasi feeling ko you’ll notice me more. 

Yung feeling na makita lang kitang online masaya na ako. Mas kumpleto na ako kapag nakakachat kita, hindi man kita nakikita visually pero parang ganun na din yung nangyayari. Alam ko din na minsan nakukulitan ka sa akin dahil kahit busy ka I’m still chatting you.

hindi ko na alam kung paano ko pa sasabihin yung iba. I can’t put my feelings to words.  gusto ko man sabihin sa’yo lahat ng harapan, gusto man kitang ligawan natatakot ako baka lumayo ka.  I know hindi mo kayang i-risk yung friendship natin. But I just want you to know, na hanggang ngayon GUSTO PA RIN KITA & I don’t have any regrets loving you.

GUSTONG GUSTO KITA. 당신을 사랑 합니다 CCC.

_____________

I hope you can read this

_____________________________________________________

The Reply

The Reply

Bago yung youthcamp binigay ko yung link sa kanya, wala communication dun sa camp no phone signal, no internet connection kaya there’s no way I could read her reply. tuesday midnight ko binigay then after 4 days… here’s how it goes

(some lines are altered and changed)

so yun na nga,  basted for another time. There were no tears, there were no aching heart. seriously, parang namanhid ako dun. siguro dahil na rin sa fact na I was expecting all possible outcomes kaya ganun. ganun talaga siguro ang buhay. Some of the sweetest stories had to end in a sad way. 

Moving on was the only thing left to do…